Walang politika sa suspensyon ni Mayor Binay
SINABI ng Malacanang na walang bahid ng politika ang pagsususpinde kay Makati City Mayor Jejomar Binay, Jr. sa sinasabing overpricing ng isang gusaling itinayo sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., ang ikalawang suspension order sa punong-lungsod ng Makati ay na sa gawain ng Tanggapan ng Ombudsman.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Coloma na ang nais ng pamahalaan ay ang kagalingang pambansa at kapakanan ng mga mamamayan. Walang politika sa mga nagaganap ngayon, dagdag pa niya.
Kailangang igalang ni G. Binay ang batas tulad ng lahat ng mga nahalal na opisyal. Kailangang maipatupad ang batas, dagdag pa ni Kalihim Coloma.
1 2 3 4 5