|
||||||||
|
||
Korte Suprema, kumikilos sa petisyon hinggil sa same sex marriage
INATASAN ng Korte Suprema ang Civil Registrar General ng Pilipinas na magpahayag ng kanilang panig sa isang petisyong humihiling na magkaroon ng kasal sa parehong kasarian sa pamamagitan ng pag-aalis ng pagbabawal ayon sa Family Code of the Philippines.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, inatasan ang Civil Registrar General na magpahayag ng kanilang panig sa petisyon ng isang Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III sa loob ng sampung araw.
Sa petisyon, sinabi ni Atty. Falcis na isa siyang "openly gay", na kailangang pawalang saysay ang Articles 1 at 2 ng Family Code at ang Articles 46 (4) at 55 (6) ng parehong batas.
Ayon sa Articles 1 at 2, ang kasal ay sa pagitan lamang ng isang babae at lalaki samantalang ang Articles 46 (4) at 55 (6) ang nagsasabi ng katagang lesbianism at homosexuality bilang dahilan para sa annulment at legal separation.
Nagtamo umano si Atty. Falcis ng direct injury sa pagbabawal ng same-sex marriage.
Hindi umano kailangang pagbawalan ang milyun-milyong LGBT na magpakasal ayon sa kanilang personal na desisyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |