![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
150714melo.mp3
|
Police Director Marquez, manunungkulan bilang Chief, PNP
SI Police Director Ricardo Marquez ang bagong pinuno ng Philippine National Police. Ito ang ibinalita ni Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II sa Campo Crame kanina.
Si Director Marquez ang dating pinuno ng Directorate for Operations ang kahalili ni PNP Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina na mamumuno sa may 155,000 kataong pulisya.
Officer-In-Charge lamang si General Espina. Nakatakdang magretiro si General Espina sa ika-19 ng Hulyo subalit mamadaliin na nila ang seremonya na idaraos sa Huwebes kasabay ng pagdaraos ng turn-over ceremony.
Pinili ni Pangulong Aquino si Director Marquez na kabilang sa Philippine Military Academy Class of 1982 sa limang naglaban-laban para sa posisyon.
Nakasama sa pinagpilian sina Deputy Director General Danilo Constantino, chief ng Directorial Staff, Deputy Director General Marcelo Garbo, Deputy PNP Chief for Operations, ang napatalsik na si Chief Supt. Raul Petrasanta, Police Director Benjamin Magalong, CIDG chief at Police Director Juanito Vano, directorate for Logistics.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |