![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pilipinas, mas maraming ambag sa mga misyon sa ibang bansa
MAS MARAMING FILIPINONG PARI AT MADRENG NAGMIMISYON SA IBA'T IBANG BANSA. Ito ang ibinalita ni Sr. Joy Carmel L. Jumawan, ng Carmelites, executive secretary ng Episcopal Commission on Mutual Relations sa pagpupulong ng mga obispo ng Pilipinas kamakalawa. Karaniwang destino nila ay Europa. (Melo M. Acuna)
MAS maraming Filipinong pari at madre ang lumalabas ng Pilipinas upang magmisyon. Ito ang balitang nakamtan mula kay Sr. Joy Carmel L. Jumawan, isang Carmelite missionary na executive secretary ng Episcopal Commission on Mutual Relations.
Sa kanyang pag-uulat sa ika-111 plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nabatid na mayroong 449 na pari at religious brothers ang lumabas ng bansa mula noong Agosto ng 2014 hanggang Hunyo ng 2015. Nagkaroon din ng 1,115 madre ang lumabas ng bansa upang magmisyon sa iba't ibang pook.
Samantalang mayroong 343 na pari, brother at mga seminarista ang pumasok sa Pilipinas kasabay ng may 651 mga madre.
Ani Sr. Carmel, gumawa sila ng survey sa may 193 religious institutes o congregations kaya't nabatid ang datos na ito.
Ipinaliwanag pa ni Sr. Carmel na karamihan ng mga nagtutungong misyonero sa Pilipinas ay upang sumailalim sa kanilang formation at makapag-aral sa mga pamantasan at dalubhasaan sa Pilipinas tulad ng University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University at De La Salle University.
Kung noong mga nakalipas na panahon, mas maraming mga banyagang misyonero ang nakakapasok sa Pilipinas, unti-unting nagbabago ito sapagkat nadagdagan ang mga Filipinong may bokasyon at pumasok sa iba't ibang kongregasyon para sa kalalakihan at kababaihan.
Nangungunang assignment ng mga madre at paring Pilipino ay sa Europa. Nangungunang kongregasyon para sa mga pari ay ang Society of the Divine Word at sa kababaihan naman ay ang Reparatrix Sisters of the Sacred Heart.
Sa mga misyonerong banyaga sa Pilipinas, nanguna ang mga Vietnamese, Tsino, Indones at Koreano.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |