Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Police Director Marquez, manunungkulan bilang Chief, PNP

(GMT+08:00) 2015-07-14 18:23:52       CRI

Sa Larangan ng Kalakal

METRO MANILA, NAHAHARAP SA HAGUPIT NG EL NINO. Sinabi ni G. Ferdinand M. Dela Cruz, Chief Operating Officer ng Manila Water Company, Inc. na kung matindi ang El Nino, malamang na magrasyon ng tubig ang kanilang kumpanya. Kailangan ang pagtitipid, dagdag pa ni G. Dela Cruz. (Melo M. Acuna)

Pilipinas, tagumpay sa proyekto sa Vietnam; bansa nahaharap sa tagtuyot

MATAGUMPAY ang ginawang investment ng Manila Water Company sa Ho Chi Minh City sa kanilang ginugol na higit sa isang daang milyong dolyar (US$ 100 milyon). Halos ikatlong bahagi ng tubig ng lungsod ng Vietnam ay mula sa kanilang mga proyekto at kinilalang matagumpay.

Ayon kay G. Ferdinand M. Dela Cruz, ang Chief Operating Officer ng Manila Water Operations, may maliit din silang proyekto sa Myanmar at ipinakikita nilang nababawasan nila ang systems loss.

Sa isang panayam sa EdSA Plaza Shangri-La Hotel kaninang umaga, sinabi ni G. dela Cruz na napababa nila ang systems loss sa kanilang nasasakupan sa Metro Manila at maging sa ilang bayan ng lalawigan ng Rizal mula sa 63% at natamo ang 11% dahilan sa pagtagas ng mga tubo ng tubig samantalang mayroong ding commercial loss kung hindi binabayaran ang nagamit na tubig. Nagkakaroon din sirang mga metro ng tubig, dagdag pa ni G. Dela Cruz.

Sa pagbabawas ng systems loss, nakatipid sila ng may 700 milyong litro ng tubig na sasapat na sa pangangailangan ng isang munting bayan. Ipinaliwanag pa ni G. dela Cruz na aabot sa 5,400 kilometro ang kanilang tubo ng tubig sa Metro Manila at Rizal. Umabot sa 80% ng mga tubo ng tubig ang kanilang napalitan sa pag-itan ng 2001 hanggang 2008.

Lumago na rin ang bilang ng kanilang mga kliyente mula sa tatlong milyon at umabot na sa 6.3 milyon samantalang higit sa kalahati ng bilang na ito ang mahihirap.

Samantala, inamin din ni G. Dela Cruz na nahaharap ang Manila Water Company at ang iba pang ahensyang nagbibili ng tubig sa mga mamamayan dahilan sa napipintong hagupit ng El Nino sa mga susunod na buwan at taon.

Maysadong umasa ang mga concessionaire sa Angat Dam na napakababa na ng tubig ngayon. Kung hindi ito magbabago ay mauuwi sa pagrarasyon ang Manila Water sa kanilang nasasakupan. May ginagawang dam ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System na kilala sa pangalang Kaliwa sa Rizal na siyang kinikilalang pagkukunan ng maiinom na tubig. Isa pa ring source ang Laguna de Bay, partikular sa silangang bahagi nito.

Ligtas naman ang tubig na kanilang ipinagbibili sa madla sapagkat ang Department of Health ay mayroong 800 check points na nagsusuri sa kalidad ng tubig na dumadaan sa kanilang mga tubo. Nabatid na mas mataas ito sa pambansang pamantayan.

Kritikal ang supply ng tubig sapagkat lumalaki ang bilang ng mga subscriber. Kabilang din ito sa pamantayan para sa urbanization lalo't higit na marami ang mangangailangan ng tubig. Bukod sa tubig na maiinom, may programa din sila sa pagpoproseso ng nagamit ng tubig.

Sa pagpapalaganap ng kanilang pagkadalubhasa, nakatuon sila sa mga bansang Vietnam, Indonesia at Myanmar lalo pa't malaki ang mga potensyal ng mga bansang ito.

 


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>