Malacanang, tanggap ang mga pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines
IPINAGPASALAMAT ng Malacanang ang mga pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa iba't ibang isyu. Magugunitang nagsalita sina Arsobispo Socrates Villegas ng Dagupan at Romulo Valles ng Davao sa isang press briefing tungkol sa mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.
Ani Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., sa isang press briefing kanina nagpapasalamat sila sa mga pahayag ng CBCP.
Sa pahayag hinggil sa Bangsamoro Basic Law, nag-uugat ito at nagsusulong ng katarungang panglipunan na layunin ng mga Bangsamoro.
Ito rin umano ang dahilan kaya't tinipon ni Pangulong Aquino ang isang multi-sectoral Peace council na sumunod sa paninindigan ng 14 kataong kasapi ng 1986 Constitutional Commission hinggil sa essential constitutionality ng panukalang BBL.
Sa pahayag ng mga Obispo hinggil sa K to 12, sa suporta nito sa pro-poor aspects ngbasic education program, kabilang na ang paghahanda para sa senior high school education sa pagkakaroon ng madaliang hanapbuhay magpapatupad ang Department of Education ng dagdag salapi para sa Education Service Contracting program kasabay na ng dagdag para sa Senior High School vouchers.
1 2 3 4