Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kakulangan ng hanapbuhay, pinakamatindi sa kasaysayan

(GMT+08:00) 2015-07-21 19:30:56       CRI

Kakulangan ng hanapbuhay, pinakamatindi sa kasaysayan

PATULOY na lumago ang bilang ng mga Filipinong walang hanapbuhay mula nang manungkulan si pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ito ang sinabi ng research group na IBON.

Ang biulang ng mga walang trabahong Filipino ay tumaas ng may 100,000 samantalang ang bilang ng mga under-employed at umabot naman sa halos isang milyon at ang bilang ng part-time workers ay tumaas ng 1.5 milyon. Tinataya ng IBON na mayroong 11.2 milyon ang walang trabaho at underemployed noong nakalipas na 2014.

Mayroong 4.3 milyon ang walang trabaho at 6.9 milyon ang underemployed. Hindi pa kasama sa bilang ang mga hindi na naghanap ng trabaho at ang mga taga-Eastern Visayas. Ang malaking bilang ng employment ay binubuo ng part-time at low-income jobs ng informal sector. May 90% o 918,000 ng 1.2 milyong karagdagang tgrabaho noong 2014 ay pawang part-time jobs na nagtrabaho ng kulang sa 40 oras sa bawat linggo.

Sa taong 2015, mayroong 544,000 dagdag na informal work at 137,000 full-time jobs ang nawala. Mahinang uri ng trabaho ang nabuo samantalang ang mga regular na hanapbuhay ay nabawasan dahiln sa kawalan ng production sector na makabuo ng kapaki-pakinabang na trabaho.

Ang matatag na trabaho ay nakakamtan sa matatag na agriculture at manufacturing industries at ang pinakamahihirap at 'di kapaki-pakinabang na uri ng trabaho ay dahilan sa kapabayaan ng pamahalaan sa production sector at pinaboran ang elitisdta at banyagang mga interes.

Inilabas ng IBON ang kanilang ulat sa isang pagupulong sa Univerity of the Philippines kanina. Magugunitang magsasalita si Pangulong Aquino sa darating na Lunes sa pinagsanib na sesyon ng Kongreso hinggil sa kanyang mga nagawa at mga gagawin pa sa nalalabing ilang buwan ng kanyang panunungkulan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>