Bagong anti-trust law, pagsusog sa Cabotage magsusulong sa paghahanda ng Pilipinas sa ASEAN Integration
NANINIWALA si Senate President Franklin M. Drilon na sa paglagda ni Pangulong Aquino sa dalawang mahahalagang batas ang magsusulong ng kahandaan ng Pilipinas para sa pagsasanib ng mga bansa sa ASEAN sa larangan ng ekonomiya.
Ang dalawang batas, ang Philippine Competition Act at ang matagal ng hinihiling na pagsusog sa 50-taong Cabotage Law ang nakapasa sa Kongreso bago nagtapos ang sesyon noong Hunyo ang siyang magsasanggalang sa mga mamimili at maghahanda sa local markets para sa pangrehiyong āalakaran sa pagtatapos ng taon.
Nagpapasalamat si Senador Drilon sa Congreso at kay Pangulong Aquino sa pagkilala sa kahalagahan ng mga panukalang batas na ito. Makakatulong din ito sa karaniwang Filipino sa pagkakaroon ng mas maayos na market policies.
1 2 3 4