|
||||||||
|
||
Muntinlupa-Cavite Expressway, bubuksan sa Biyernes
ANG kauna-unahang Public-Private Partnership (PPP) sa lansangan sa ilalim ni Pangulong Aquini ay bubuksan sa darating na Biyernes.
Ayon kay Department of Public Works and Highways SecretaryRogelio L. Soingson, ang Muntinlupa-Cavite Expressway na kilala rin sa pangalang Daang Hari-South Luzon Expressway Link Road ay may habang apat na kilometro. Ito rin ang koneksyon sa Bacoor, Cavite sa South Luzon Expressway sa South Luzon Expressway.
Pakikinabangan na ito ng publiko sa darating na Biyernes matapos ang soft-launch kanina hanggang bukas.
Ani Secretary Singson, umaasa siyang sa pagtatapos ng toll road ay higit na gaganda ang CALABARZON sa mata ng mga mangangalakal. Mababawasan ang paglalakbay ng may 45 minuto sa Cavite, Las Pinas at Muntinlupa. Madadali na rin ang pagtungo sa National Bilibid Prison na nais gamiting commercial, residential at institutional estate.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P 2 bilyon ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DPWH at Ayala Corporation.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |