Mambabatas, tiniyak ang suporta sa pulisya
TINIYAK ni ACT-CIS Congressman Samuel N. Pagdilao na susuportahan nila ang panukalang batas sa nangangailangan ng mga bagong kagamitan ng pulisya. Si Congressman Pagdilao ang chairman ng (House) Committee on Public Order and Safety.
Naganap ang pagtiyak bilang tugon sa inaugural address ni Director General Ricardo Marquez noong Huwebes na naglahad ng mga paraan upang maibsan ang kriminalidad sa bansa.
Batid umano ni Marquez ang PNP Modernization Bill sapagkat naanyayahan na siya ng Technical Working Group sa mga pagdinig na naganap noon. Isang substitute bill, ang ibinase sa dalawang panukala, ang House Bill 2199 ni congressman Leopoldo Bataoil ng Pangasinan at House Bill 2518 na akda naman ni Congressman Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro.
1 2 3 4