Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Politika, umiinit na sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2015-07-24 17:35:57       CRI

POLITIKA SA PILIPINAS, UMIINIT NA.  Naniniwala si Dr. Julio C. Teehankee, isang daluhasa sa Political Science na nakatuon pa rin sa kandidato at hindi sa plataporma ng partido ang mga mamamayan sa darating na halalan.  Si Dr. Teehankee ay dekano ng College of Liberal Arts ng De La Salle University.  Naniniwala siyang kailangang maging mapanuri ang mga mamamayan sa darating na halalan.  (Melo M. Acuna)

SA paglapit ng takldang panahon para sa pagpapatala ng mga kakandidato sa panguluhan sa Oktubre, umiinit na ang kanilang paghahanda. Kahit na si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ay napapagitna na sa mga negosasyon sa pagitan nina Secretary Mar Roxas, Senador Grace Poe at Senador Frencis Escudero.

Ito ang paniniwala ni Dr. Julio Teehankee, Dekano ng College of Liberal Arts ng De La Salle University sa isang exclusive interview. May doctorate sa Political Science si Dr. Teehankee.

Sinabi ni Dr. Teehankee na nakalulungkot nga lamang na isang daang taon na ang karansan ng bansa sa paghalal ng pangulo subalit naka-base pa rin sa tao at kliyente ang pagpili at hindi sa plataporma ng partido. Mahina ang mga partido politikal sa bansa sapagkat nakasalalay sa tao ang magiging takbo ng partido.

Hanggang mahirap ang mga mamamayan ay 'di sila makapipili ng mabuti sapagkat nakatuon ang karamihan ng mga botante sa panandaliang biyayang ibibigay ng mga kandidato sa kampanya at bago sumapit ang halalan. Nagkulang umano ang mga nakalipas na pamahalaan sa pag-aangat ng mga mamamayan sa kanilang kinasasadlakang kahirapan kaya't malakas pa rin ang hatak ng mga namimili ng boto.

Kapuri-puri ang economic achievements ng Aquino Administration tulad rin noong nanungkulan pa si Pangulong Ramos subalit hindi naman nadama ng mga mamamayan ang natamong tagumpay sa ekonomiya.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Teehankee na ang tunay na kaunlaran ng bansa ay makakamtan sa pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay sa kanayunan, sa mga pagawaan at mga industriya. Hindi kailanman sasapat ang hanapbuhay na nagmumula sa portfolio investments.

Wala umanong mga partido politikal sa Pilipinas sapagkat ang mga ito'y pawang mga angkan lamang. Bagama't walang masama sa pamilya ng mga doktor, abogado, enhinyero at iba pang propesyon, iba ang pagkakaroon ng pamilya ng mga politiko sapagkat iba ang mga propesyunal. Ang mga pamilya sa pamahalaan, mula sa pagiging appointed hanggang elected ay may kaakibat na pagtitiwala ng madla (o public trust) at mayroong poder.

Kahit pa walang idolohiya ang mga partido politikal sa Pilipinas, ang naririnig ng mga tao ay ang mga kwento ng mga politiko tulad ng mga Repormista at mga Populist.

Ang mga repormista ay nagsasabing ang kailangan ay maghalal ng mga taong mabubuti, mababait at may katapatan upang mapatakbo ng maayos ang pamahalaan samantalang ang mga populista naman ay nagsasabing kasama sila ng mahihirap at mga inaapi. Hindi gasinong pansin ang isyu ng katiwalian sapagkat layunin ng mga populista na bawiin ang mga ninakaw na yaman ng bayan at hatiin sa mga mamamayan.

Si Pangulong Aquino ay mayroong pagka-repormista samantalang si Pangulong Estrada ay isang populista na siyang tinatahak ni Vice President Jejomar Binay.

Si Senador Grace Poe ay tanggap ng masa sa pagiging anak ni Fernando Poe, Jr., ang sikat na artista noong mga nakalipas na dekada. Mayroon din siyang pagkarepormista sa kanyang mga pahayag.

Nagkataon nga lamang, ani Dr. Teehankee, na makikilala at makikilatis ang mga kandidato sa loob ng campaign period. Dapat umanong handa si Senador Poe na sagutin ang lahat ng isyung ibabato sa kanya tulad rin ng ibang mga kandidato. Mayroon umanong mga kandidatong sikat sa mga survey subalit nawawala sa mata ng tao sa oras na magsimula ang kampanya.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>