Kaligtasan ng madla, tiniyak
MANANATILI ang kaayusan at katahimikan sa Quezon City sa gitna ng kontrobersyang nagaganap sa Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na ang lumabas na balita hinggil sa Iglesia Ni Cristo ay isang "internal organizational dispute."
Idinagdag pa niya na ang Quezon City Police District at Anti-Kidnapping Group ay ikinalat na sa paligid ng pook upang magbantay at matiyak na mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Samantala, sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, na inatasan ni Director General Ricardo Marquez ang pinuno ng Quezon City Police District na tumugon sa anumang pangangailangan.
1 2 3 4 5