May dahilang kasuhan si General Palparan
NAKATAGPO ng sapat na dahilan and Ombudsman upang kasuhan si retiradong Major General Jovito Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng magkapatid na Manalo. Pinawalang-saysay naman ang usapin laban kay General Hermogenes Esperon, Jr. sa kakulangan ng ebidensya.
Sa desisyon, sinabi ng Ombudsman na si Palparan at walong iba pa ang nararapat ipagsakdal ng dalawang counts ng kidnapping at serious illegal detention na may kaukulang parusa ayon sa Revised Penal Code.
Ipinadakip ni Palparan ang magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo noong ika-14 ng Pebrero 2006 sa San Ildefonso, Bulacan sa pagdududang mga guerilya sila ng New People's Army. Na-torture at nadetine ang magkapatid hanggang sa nakatakas noong ika-13 ng Agosto ng 2007. Napatunayan silang nagkasala ng administratibo kaya't wala na silang matatanggap na benepisyo mula sa pamahalaan. Pawang mga sarhento ang kasama ni Palparang akusado.
Nahaharap na sa kasong pagpapahirap at pagkawala ng dalawang estudianteng sina Cadapan at Empeno. Naging saksi si Raymond Manalo sa ginawang pagpapahirap sa dalawang estudyante ng University of the Philippines.
1 2 3 4 5