![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Yaman ng pinakamayayaman sa bansa, natriple
ANG mangilan-ngilang mayayaman sa Pilipinas ay higit na yumaman samantalang ang sahod at kinita ng mga karaniwang tao an nanatiling pareho din sa nakalipas na limang taon. Isa umano ito sa mga iiwanang marka ni Pangulong Aquino.
Mula sa grupong IBON ang pagsusuring ito. Samantala umanong sinasabing mayroong inclusive growth, mangilan-ngiulan lamang na pamilya at korporasyon ang nakinabang. Ang yaman ng sampung pinakamayayamang Filipino ay higit sa tatlong ulit sa 250% mula sa P 650 bilyon noong 2010 at umabot sa P 2.2 trilyon ngayong 2015. May 12 mga Filipinong bilyonaryo ang nakasama sa pandaigdigang talaan ng Forbes Magazine tulad nina Henry Sy mula sa ika-97 isang taon na ang nakalilipas at umangat sa ika-73 sa pinakamayaman ngayong 2015.
Ang net income ng may 260 kumpanya sa Philippine Stock Exchange ay tumaas ng 33% mula sa P 438 bilyon noong 2010 at umabot sa P 538 bilyon noong 2014.
Ang sahod at kinita ng mga manggagawa sa buong bansa ay nanatiling mababa. Ang real value ng daily basic wage ay tumaas ng wala pang P 9 mula 2010 hanggang 2014. Sa lahat ng industriya, aabot lamang sa P 367.35 ang daily basic pay sa Pilipinas. Ang increase sa average daily basic payt para sa lahat ng industriya ay 8.8% na hindi pa ikatlong bahagi ng dagdag sa net income ng malalaking korporasyon.
Sa kalagitnaan ng Aquino Administration, ang pinagsanib na halaga ng 25 pinakamayang mga Filipino ay halos kapantay ng pinagsanib na kinita ng higit sa 70 milyong pinakamahihirap na Filipino.
Sinabi ng IBON na ang patakaran ng pamahalaan ay itinakda upang makatugon sa pangangailangan ng malalaking kumpanya. Sa pamamagitan ng PPP contracts, garantisado ang kita ng mga kumpanya mula sa pondo ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |