Simbahan at iba pang grupo, nanawagan sa pamahalaan tungkol sa mga biktima ni "Yolanda"
MABAGAL ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ni "Yolanda" na tumama noong ika-walo ng Nobyembre 2013 sa Eastern Visayas. Ito ang sinabi ng iba't ibang advocacy groups na naglahad ng kanilang paninindigan sa pagtitipon kanina.
Nanawagan sila kay Pangulong Aquino na bigyang-pansin ang kakulangan ng basic services sa mga nasalanta. Nagkaisa nilang sinabi ang pagdadala ng reconstruction assistance ay kinatatampukan ng mga problema samantalang hirap, gutom at walang trabaho ang mga mamamayan.
Umabot lamang sa 2,100 mga tahanan ang natapos noong 2014 na napakalayo sa target na 205,128 na bahay. Wala umanong mabiling angkop na lupain. Naiwasan sana ito kung mayroong sapat na imbentaryo ng mga lupain. Mabagal din ang paglalabas ng salapi sapagakt umabot lamang sa P2.4 bilyon ang nailabas mula sa nakalaang P26 bilyon na nakalaan noon pa mang 2014.
1 2 3 4 5