|
||||||||
|
||
mp3150727melo.mp3
|
Pangulong Aquino nagsabing marami pang nararapat gawin
NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa lahat ng tumulong sa kanyang pagpapatakbo ng pamahalaan sa nakalipas na limang taon.
Kabilang ito sa naging paksa sa kanyang ika-anim at huling State of the Nation Address na tumagal ng mahigit sa dalawang oras sa joint session ng Senado at Kongreso sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.
Sa simula ay binanatan niya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kontrobersyang iniwan noong 2010 na kinabilangan ng mga iskandalo. Nasa ilalim pa rin ng hospital arrest ang dating pangulo.
Nagkaroon ng mga video clips mula sa iba't ibang sektor ng lipunan na nagpasalamat sa liderato ni Pangulong Aquino. Ibinalita rin ng pangulo na patuloy na bumaba ang bilang ng mga welga sa bansa. Nabawasan na rin ang bilang ng overseas Filipino workers mula sa 9.2 milyon at umabot na lamang sa 9.07. Nakatagpo na umano ng trabaho sa Pilipinas ang mga ito kaya't umuwi na sa bansa.
Tumaas din umano ang benta ng mga sasakyan noong nakalipas na taon ng may 27% na nagpapatunay na madaling makabili ng mga sasakyan at mga condominium units sa bansa ang mga mamamayan.
Samantalang binanggit niya ang mga nagawa, nanawagan siya sa mga mambabas na ipasa ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law, ang panukalang budget para sa susunod na taon at ang iba pang mga panukalang batas kabilang na ang anti-dynasty bill.
Hindi na binanggit ni Pangulong Aquino ang pangangailangang magpasca ng Freedom of Information bill na kanyang ipinangako noong nangangampanya pa lamang siya noong 2010.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |