Senador Drilon, nangakong magpapasa ng mga batas na tutugon sa pangangailangan ng bansa
SA nalalabing panahon ng Aquino Administration, nangako si Senate President Franklin M. Drilon na itatabi muna ng mga mambabatas ang kanilang interes sa larangan ng politika at pagtutuunan ng pansin ang paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular ng sesyon ng 16th Congress, sinabi ni G. Drilon na kailangang ipagpatuloy ng Senado ang pagpapasa ng mga batas sa pagbabago at pagpapatupad ng magandang pamamamalakad.
Kailangang umunlad ang buhay ng karaniwang mga mamamayan sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagkakaroon ng maayos na political system na maglalaan ng social protection sa mga mamamayan.
Malaking hamon ang hinaharap ng mga mambabatas upang makapagpasa ng mga batas na titiyalk ng reporma. Nagagahol na umano sa panahon at kailangang tugunan ang pangangailangan ng bansa at mga mamamayan.
1 2 3 4 5 6