|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, magkukumahog sa nalalabing panahon
KAILANGANG magkumahog si Pangulong Aquino sa nalalabing panahon ng kanyang panunungkulan upang magkaroon ng magandang performance. Ito ang pananaw ng mga manggagawang mula sa Federation of Free Workers.
Kailangang makasama ang mga manggagawa sa biyayang idinudulot ng pag-unlad ng ekonomiya. Mas malaki sana ang iginanda ng ekonomiya kung hindi nahagupit ni "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre ng 2013 subalit nananatiling palaisipan ng mga manggawa kung gaano ba kalaki ang kanilang natamo sa pag-unlad ng bansa.
Sa nakalipas na limang taon, ang matinding trabaho at kawalan ng pormalidad ng hanapbuhay ang patuloy na lumalago. May trabaho ngang nakamtan subalit panandalian lamang at nasadlak na sa kontraktuwalisasyon at pagkakaroon ng job order mula sa pamahalaan na kung minsa'y 'di pa napapasahod ng angkop sa batas. Ni wala ngang social protection kaya't ang pagkakaroon ng makataong hanapbuhay ay nananatiling pangarap.
Hiniling na ng mga manggagawa ang pagpapasa ng security of tenure law subalit hindi naman ito naganap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |