Mga dating kasapi ng gabinete, nanawagan kay Pangulong Aquino
MARAMI pang nararapat gawin si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa nalalabing panahon sa pamahalaan. Ito ang sinabi ng Former Senior Government Officials (FSGO) bilang reaksyon sa huling State of the Nation Address (ni Pangulong Aquino) noong Lunes, ika-27 ng Hulyo, 2015.
Pinuri ng FSGO si Pangulong Aquino sa mga nagawa sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, kalusugan, pagawaing-bayan, military modernization at pro-poor programs dahilan sa magandang pamamalakad sa burukrasya.
Subalit nararapat din niyang isulong ang Freedom of Information Bill, ang Anti-Dynasty Bill, ang Bangsamoro Basic Law at iba pa. Kailangang mapabilis ang paglutas sa kahirapan at pagdarahop. Kailangan ding litisin ang mga sangkot sa mga anomalya sa PDAF, matanggal ang lahat ng mga kahalintulad ng DAP na budget allocations at maayos ang mga problema sa sektor ng pagsasaka at transportasyon.
1 2 3 4 5