Pangalawang Pangulong Binay nanawagang itatag na ang Department of Information and Communication Technology
KAILANGANG maitatag na ang Department of Information and Communication Technology upang mapaunlad ang kakayahan sa teknolohiya ng Pilipinas at makasabay sa mga kalapit bansa sa Asia.
Sa kanyang talumpati sa 9th Asia Pacific Information Security Leadership Achievements, sinabi ni Pangalanwang Pangulong Jejomar C. Binay na kahit pa nangunguna ang Pilipinas sa Business Process Outsourcing, kailangang makasabay ng iba't ibang bansa sa larangan ng technology development.
Marami pang kailangan sa larangan ng information technology at ang pagkakaroon ng hiwalay na kagawaran ay makatutulong ng higit sa pagbuo ng IT infrastructure at makakasabay ang pribadong sektor sa pagpapaunlad na ito.
1 2 3 4 5