|
||||||||
|
||
Governor Tetangco nagsabing matatag ang banking sector
NAPAPANATILI ng Pilipinas ang pagsasanib ng kaunlaran at mababang inflation. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco hinggil sa R & I Rating Action ng Japan.
Mayroon umanong sapat na pananggalang sa anumang posibleng maganap sa labas ng Pilipinas sa larangan ng pananalapi. Nananatiling matatag ang banking sector at kinikilala ito ng iba't ibang rating agencies.
Kailangang matiyak na mapanatili ng bansa ang pinagpunyagiang investment grade sovereign credit ratings ng higit pa sa taong 2016, dagdag pa ni G. Tetangco.
Nangako rin siya na magpapatupad ng mga kalakaran upang mapanatiling mababa at maatatag ang inflation at magkaroon ng maayos na kalagayan ang ekonomiya upang mapatatag ang kaunalran.
Patuloy na magpapatupad ng regulatory standards at safeguards upang mapalakas ang banking system sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Tetangco.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |