EMOSYONAL si Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II ng tanggapin niya ang pagkakahirang sa kanya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mamanukin sa susunod na halalang pangpanguluhan sa 2016.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Secretary Roxas tanggap niya ang hamon ng mga "Boss" at itutuloy, palalawakin at ipaglalaban ang daang matuwid sa seremonyang idinaos sa Cory C. Aquino Kalayaan Hall sa Club Filipino kaninang umaga.
Tulad ng inaasahan, inindorso ni Pangulong Aquino si Roxas bilang pambato ng Liberal party at ng administration coalition sa 2016 sa tinaguriang pagtitipon ng magkakaibigan.
Ani Pangulong Aquino, susuportahan niya ang magtutuloy ng Daang Matuwid at walang iba kungdi si Mar Roxas. Pinuri ni G. Aquino si Roxas na mayroong inisyatibo na kumilos sa ilang mga isyu at mga krisis, tulad ng mga trahedya sa kanyang administrasyon.
Luhaan si G> Roxas sa kalagitnaan ng kanyang talumpati sa harap ng may 500 mga kasapi ng Liberal Party. Ipagpapatuloy ni G. Roxas ang nasimulan ng kanyang mga ninuno at ng kanyang yumaong kapatid na si Gerardo "Dinggoy" Roxas sa paglilingkod sa bayan.
Isa umanong malaking karangalan para sa kanya ang mahirang na presidential standard-bearer ng partido at hinding –hindi niya dudumihan ang pangalan ng kanyang pamilya. Mananatili siyang tapat sa pangarap ng mga Filipino, dagdag pa ni G. Roxas.
1 2 3 4 5 6