|
||||||||
|
||
Pilipinas, umangat sa programang pangkalusugan
MARAMI PANG NARARAPAT GAWIN. Ito naman ang sinabi ni European Union Delegation Ambassador Guy Ledoux para sa mga susunod na panahon tulad ng pagsugpo sa HIV Aids at pagtalima sa Millennium Development Goals. (File Photo/Melo M. Acuna)
KAPUNA-PUNA ang natamong pagbabago sa mga programang pangkalusugan mula ng mamuno si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ito ang sinabi ni European Union Ambassador Guy Ledoux sa pagpupulong hinggil sa Universal Health Care sa Pilipinas.
Ani Ambassador Ledoux, nabawasan ng may 50% ang child mortality sa nakalipas na decada at may 27 lalawigan ang nadeklarang malaria-free. Binati rin niya ang pamahalan sa pagdaragdag ng budget para sa health sector. Nadoble umano ang budget mula sa P42 bilyon noong 2012 at natamo ang halagang P77 bilyon ngayong 2015.
Wala umano siyang batid na bansang nakapagdagdag ng budget tulad ng ginawa ng Pilipinas sa napakadaling panahon. Kapuri-puri din ang pagtugon ng pamahalaan para sa PhilHealth premiums ng may 14 na milyong mahihirap na pamilyang Filipino.
Mayroon an umnong 7,.4 milyong pamilya ang nakatala sa primary care provider at 19 milyong mamamayan ang nakatanggap ng primary health services sa ilalim ng national health insurance scheme.
Nangangahuluhan na ito ng pagpapagamot sa mga ospital ay sakop nan g PhilHealth sa mga pagamutan ng pamahalaan at sa mga pribadong ospital na mayroong mga PhilHealth beds.
Idinagdag pa ni Ambassador Ledoux na sa pagtatapos ng 2014, umabot na sa 87% ang nakatala sa national health insurance scheme.
Sa likod ng mga tagumpay na ito, mararami pang nalalabing gawin, tulad ng pagtugon sa Millennium Development Goals, higit na pagpapababa pa ng maternal mortality rates at pagpigil sa HIV at AIDS.
Isang malaking hamon pa rin ang paggasta ng mga Filipino para sa kanilang mga karamdaman, dagdag pa ni Ambassador Ledoux. Magaganap lamang ito kung mapapaunlad nila ang sustansiya ng pagkain ng mga kabataan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |