Universal Health Care lalong sisigla
PANGUNGUNAHAN ng Department of Health kasama ang European Union to the Philippines ang Universal Health Care para sa mga mamamayan. Sa idinaos na National Health Summit, napagsama-sama, nagbahaginan at mapasigla ang local health practices at mga programa upang higit na mapakinabangan ng mga mamamayan lalo na pra sa mga ina at pangangalaga sa mga sanggol.
Nakatuon ang mga programa sa Maternal Health Care, Infant Care, Child Care, HIV/AIDS at Service Delivery Network. Prayoridad sa mga programang ito ang 43 mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Janette Loreto-Garin na tiyak na madarama, mararanasan at makakarating sa lahat ang Kalusugang Paqngkalahatan. Kasama sa palatuntunan ang mga kalihim ng Department of Education, Department of Interior and Local Governmentat iba pang mga ahensyang may kinalaman sa paglilingkod sa taongbayan.
1 2 3 4 5 6