|
||||||||
|
||
Kahalagahan ng Media sa misyon ng Pulisya, napag-usapan
MAHALAGA ang papel ng media sa pagtupad ng Philippine National Police ng kanilang misyon sa lipunang Filipino.
Ito ang sinabi ni Police Chief Supt. Wilben M. Mayor, pinuno ng Public Information Office sa kanyang pagsasalita sa isang pagpupulong ng chiefs of police ng buong Negros Oriental kanina sa Dumaguete City.
Nanawagan siya sa mga opisyal ng Philippine National Police na maging bukas sa mga mamamahayag na nagtatanong ng mga balita sapagkat isa sa mga pinahahalagahan ng buong tanggapan ng pulisya ang transparency.
Si Chief Supt. Mayor ang naging guest speaker sa pagtatapos ng tatlong araw na PNP Media Relations Seminar sa Bethel Guest House.
Idinagdagdag pa niya na sa pagtutulungan ng mga mamamahayag at pulisya higit na mauunawaan ng madla ang nagaganap sa komunidad.
May anim na city police stations at 19 na municipal police stations sa Negros Oriental na binubuo ng 1,300 mga tauhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |