|
||||||||
|
||
他(tā)打(dǎ)得(de)真(zhēn)好(hǎo)! 好(hǎo)球(qiú)! 你(nǐ)希(xī)望(wàng)谁(shuí)赢(yíng)?
20150820Aralin67Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Kungkayo ay masugid na tagahanga ng isang manlalaro. Narito po ang isang bersyon para ipakita ang inyong paghanga: Ang galing-galing talaga niyang maglaro!
他(tā)打(dǎ)得(de)真(zhēn)好(hǎo)!
他(tā), siya.
打(dǎ), maglaro.
得(de), katagang kasunod ng pandiwa at nagpapakita ng digri.
真(zhēn), talaga.
好(hǎo), magaling o mahusay.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 他(tā)打(dǎ)得(dé)真(zhēn)好(hǎo)! 他(tā)是(shì)最(zuì)棒(bàng)的(de)。Ang galing-galing talaga niyang maglaro!
Siya ang pinakamahusay!
B: 我(wǒ)看(kàn)一般(yìbān)。我(wǒ)更(gèng)喜欢(xǐhuan)11号(hào)球员。Sa tingin ko hindi siya talaga magaling na magaling. Mas hanga ako sa manlalarong numero onse.
Wow, ang galing! Ang ganda ng tira!
Ang "ang ganda ng tira" sa wikang Tsino ay:
好(hǎo)球(qiú)!
好(hǎo), maganda, magaling.
球(qiú), isports ng bola. Kaya, ang好(hǎo)球(qiú) ay isang panlahat na parirala na maaaring gamitin sa anumang isport na gumagamit ng bola. Halimbawa, basketball, football, volleyball at iba pa.
Susunod: Aling koponan ang gusto mong manalo?
你(nǐ)希(xī)望(wàng)谁(shuí)赢(yíng)?
你(nǐ), ikaw o ka.
希(xī)望(wàng), inaasahan, gusto.
谁(shuí), sino.
赢(yíng), manalo.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 好球(hǎoqiú)!Ang ganda ng tira!
B: 你(nǐ)希望(xīwàng)谁(shuí)赢(yíng)?Aling koponan ang gusto mong manalo?
A: 当然(dāngrán)是(shì)中国队(zhōngguóduì)了(le)。Siyempre, Tsina.
Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Ang ika-29 na Palarong Olimpik ay idinaos noong Agosto, 2008 sa Beijing, kabisera ng Republikang Bayan ng Tsina. Ang seremonya ng pagbubukas ay nagsimula, bandang ika-8 ng gabi noong ika-8 ng Agosto, kasi sa kulturang Tsino ang numerong 8 ay sumasagisag sa kayamanan at kasaganaan. Ang 2008 Beijing Olympics ang kauna-unahang pagkakataon na ang Tsina ang nagsilbing punong-abala sa palarong ito. Ang karamihan sa mga laro ay idinaos sa Beijing. Ang mga kompetisyon sa football ay ginawa sa co-host cities na kinabibilangan ng Shanghai, Tianjin, Shenyang at Qinhuangdao, samantalang ang equestrian naman ay ginanap sa Hong Kong. Sa taong iyon, ang Chinese martial arts na wushu ay naging isa nang opisyal na laro sa Olimpiyada. Ito ay nagpapahiwatig na ang martial arts ay pumasok na sa arenang pandaigdig.
At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |