|
||||||||
|
||
Mga bagong batas, kailangan upang maibsan ang salot ng droga
MGA BAGONG BATAS, KAILANGAN UPANG MASUGPO ANG ILLEGAL NA DROGA. Pinamunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kanina. Na sa larawan din sina Senador Aquilino Pimentel III (kaliwa) at Senador Vicente Sotto III (kanan) (Senate PRIB Photo)
SINABI ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na mayroong 21 panukalang batas upang mabawasan ang epekto ng droga sa lipunan.
Ang pagdinig kanina ng komite ay nilahukan ng mga kasapi ng Committees on Education, Arts and Cluture, Social Justice, Welfare and Development, Youth, Public Services, Justice and Human Rights at Finance.
Ani Senador Poe, itinuon nila ang pansin sa tatlo, una ang paghihigpit ng paglaban sa droga at mapigilan ang mga Filipinong maging drug mules sa mga resolusyon nina Senador Miriam Defensor-Santiago at Manuel Lapid. Ang panukalang batas na magpapahusay sa operasyon laban sa dangerous drugs na akda nina Senador Defensor-Santiago, Nancy Binay, at Lapid at pito pang panukalang batas nina Senador Gregorio Honasan, Ramon Revilla, Jr., JV Ejercito at Defensor Santiago.
Kabilang din ang mga panukala upang mabawasan ang drug addiction at paglakop nito sa mga paaralan na akda nina Senador Defensor-Santiago, Tito Sotto, Lapid at ni Senador Poe.
Ani Senador Poe, higit na naging madulas ang mga kriminal sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng mga alagad ng batas. Mahirap umanong mabantayan ang baybay-dagat ng bansa sa pagpapasok at paglalabas ng droga.
Binanggit din niya ang paggamit ng drug mules na maaaring walang pagkaalam na droga ang ipinadadala sa kanilang paglalakbay. Napalawak na rin ng drug lords ang kanilang operasyon sa mga poor tuylad ng mga casino, pamantasan at dalubhasaan.
Nagkaroon na umano ng mga makabagong droga ayon mismo sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |