|
||||||||
|
||
Senador Poe, nagsumite ng mga dokumento
DINALA na ni Senador Grace Poe ang mga dokumentong may 90 pahina sa Senate Electoral Tribunal upang harapin ang quo warranto petition laban sa kanya hinggil sa kanyang citizenship.
Masasagot naman umano ng mga dokumento ang mga tanong sa kanyang pagkatao. Kabilang sa mga dokumento na isinumite sa tribunal ang kanyang birth certificate at travel records mula sa Bureau of Immigration.
Nagmula ang petisyon sa talunang kandidato sa pagka-senador na si Rizalito David hinggil sa pagkakatagpo at pagiging "stateless" person. Mayroon na ring ganitong usaping nagmula kay G. David sa Commission on Elections.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |