|
||||||||
|
||
Ombudsman, tahimik na nagsisiyasat sa reklamo laban kay Pangulong Aquino at Kalihim Abad
OMBUDSMAN NAGSISIYASAT NA SA DAP. Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales (dulong kaliwa) na tahimik silang nagsisiyasat sa mga reklamo hinggi sa DAP na nadeklara ang ilang bahaging taliwas sa Saligang Batas ng Korte Suprema kamakailan. Na sa larawan din sina US Ambassador Philip Goldberg at UK Ambassador Asif Ahmad. (File Photo/Melo Acuna)
SINABI ni Ombdusman Conchita Carpio-Morales na nasa gitna ng pagsisiyasat sa ginawang Disbursement Accelebration Program na kinabibilangan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Isang fact-finding investigation report ang pinag-aaralan ng kanyang tanggapan. Ito ang binanggit ni Ombudsman Morales sa budget briefing sa House of Representatives kahapon.
Mayroon umanong mga motu propio investigations at mga pagsisiyasat base sa reklamo ng ilang mga mamamayanb. Ang mga sinisiyasat ay kinabibilangan ni Pangulong Aquino, ni Budget and Management Secretary Florencio Abad at iba pang lumalabas na sangkot sa pagbuo ng DAP.
Ang DAP ay isang pampasiglang programa na magpapalakas ng paggasta ng pamahalaan mula 2011 hanggang 2013 na sinabi ng Korte Suprema na may mga bahaging taliwas sa Saligang batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |