Pilipinas, may nagawa na sa pagtulong sa mga mamamayan
SA nakalipas na 60 taon mula ng lumagda ang Pilipinas sa Geneva Conventions, naipatupad na ang mga nilalaman ng international humanitarian law. Mayroong pinang-hahawakan ang Pilipinas sa pagbibigay ng legal protection sa mga biktima ng kaguluhan sa pagsusulong sa panukalang batas na nagsasanggalang sa mga karapatan ng mga lumikas mula sa kanilang mga tahanan na naghihintay ng pagpapasa sa Kongreso.
Ayon sa pansamantalang pinuno ng International Committee of the Red Cross, ang talakayan sa International Humanitarian Law ay 'di lamang pang-paaralan kungdi isang katotohanan. Ani Sari Nissi, ang pansamantalang pinuno ng ICRC sa Pilipinas, ang serye ng mga kaguluhan ang naging dahilan ng mga nasasawi at nagsisilikas. Sa pagpapasa ng Internally Displaced Persons bill, higit na gaganda ang katayuan ng mga nagsisilikas.
1 2 3 4 5