|
||||||||
|
||
Anim ang nasawi, siyam ang sugatan sa pamamaril
ANIM na kawal at siyam na iba pa ang nasugatan matapos maghuramentado ang isang corporal ng Philippine Army sa isang kampo sa Sumisip, Basilan kaninang umaga.
Ayon kay Colonel Benjamin Hao, dalawa sa nasawi ang junior officers. SA mga sugatan, pito ang enlisted personnel, isang opisyal at isang sibilyan.
Ang Army corporal ay kinilalang si Tahurddin Taha, isang gunner sa mortar section ng 64th Infantry Battalion. Napatay din siya ng mga tumugong kawal.
Dinala ang mga biktima sa Isabela City at inilipat ng helicopter patungong Zamboanga City. Nagboluntaryo umano si Taha na palitan ang kawal na nakaguardia. Sinabihan siya ng nakatalagang guardia na hanggang alas dose pa siya ng tanghali.
Sinabihan umano ni Taha na babalik na lang siya sa barracks at maglalaba. Hindi nagtagal, bumalik siyang may dalang armalite rifle.
Bigla na lamang umanong nagpaputok sa isang grupo ng 20 hanggang 30 kawal na nag-aaral ng biblia sa kalapit na multi-purpose hall.
Apat umano ang nasawi sa unang sigwa ng putok samantalang ang dalawa ang nasawi sa pagamutan. Kapapagbakasyon pa lamang umano ni Taja na karaniwang tahimik samantalang kasama ng batalyon.
Isang 37 taong gulang at integree (dating MNLF na tinanggap sa Armed Forces of the Philippines) at naglingkod sa nakalipas na 12 taon at nagmula sa Indanan, Sulu.
Kabilang sa mga nasawi sina 1Lt. Camlon Martin Puao, 2Lt. Alvin Ebina, SSgt. Jonathan Galicto, Corporal Robert Jondayran, PFC Jessrell Calud.
Kabilang sa nasugatan si 1Lt. Pada Guingar. Ayon kay Colonel Hao, isa lamang itong "isolated incident."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |