|
||||||||
|
||
Sa larangan ng Kalakal, Toyota Motor Philippines, inilunsad ang bagong Land Cruiser 200
PANGULO NG TOYOTA SA PILIPINAS NAGPASALAMAT. Pinasalamantan ni Michinobu Sugata, Pangulo ng Toyota Motor Philippines Inc. ang mga Filipino sa patuloy na pagtangkilik ng mga sasakyang mula sa kanilang kumpanya. Mula noong 1995 ng ipakilala ang Toyota Land Cruiser, patuloy na itong naging paborito ng mga mahihilig sa sports utility vehicles, dagdag pa ni G. Sugata. Naglunsad sila ng bagong modelo kanina. (Melo M. Acuna)
TARGET NG TOYOTA NA MAKAPAGBILI NG MARAMING SUV. Sa paglago ng pamillihan sa Pilipinas, umaasa ang mga taga Toyota Motor Philippines ng makapagbibili ng 50 hanggang 55 unit sa bawat buwan. nagkakahalaga ang bawat isa ng P 4.8 milyon. (Melo M. Acuna)
PINASALAMATAN ni G. Michinobu Sugata, Pangulo ng Toyota Motor Philippines Corporation ang mga mamimiling Filipino sa patuloy na pagtangkilik ng kanilang mga sasakyan tulad halimbawa ng pinakahuling Toyota Land Cruiser.
Inilunsad kanina ang pinakahuling bersyon ng Toyota Land Cruiser sa mga mamamahayag.
Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni G. Sugata na mula noong ipakilala ang Toyota Land Cruiser sa Pilipinas noong 1995, naging maganda ang pagtanggap ng mga mamimiling Filipino kaya't karaniwang ginagamit ng mahihilig sa sports utility vehicles ang Land Cruiser.
Umaasa ang Toyota Motor Philippines na makapagbibili sila ng mula 50 hanggang 55 units sa bawat buwan mula sa darating na Nobyembre ng taong 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |