|
||||||||
|
||
PATULOY na lumakas ang bagyong si "Lando" samantalang tinatahak ang Isabela-Aurora na inaasahang tatama sa lupa bukas.
Nakataas na ang Public Storm Signal No. 2 sa Aurora at Isabela kaninang tanghali. Ito ang ibinalita ng PAGASA, ang weather bureau ng pamahalaan sa kanilang Public Storm update na inilabas ika-11 ng umaga.
Ayon kay Aldczar Aurelio, isang weather forecaster ng PAGASA, tatama si "Lando" sa lupa Sabado ng gabi o madaling-araw ng Linggo. Nakataas naman ang Public Storm Signal No. 1 sa Cagayan, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, Quirino, Nueva Viscaya, Bulacan, Pampanga, Rizal, Quezon, kabilang na ang Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.
Idinagdag pa ni G. Aurelio na posibleng itaas pa ang Signal No. 1 sa La Union, Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Zambales at Metro Manila.
May taglay na hanging aabot sa 130 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometro bawat oras. Kanina ay tinataya itong may layong 585 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.
Pinayuhan na ang mga mangingisda na huwag pumalaot sa hilaga at kanlurang mga karagatan ng Hilagang Luzon at sa western seaboard ng Gitnang Luzon at silangang Bahagi ng Kabisayaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |