|
||||||||
|
||
Australia, tutulong ng P 33 milyon para sa binagyo
NANGAKO ang pamahalaan ng Australia ng may P 33 milyon bilang emergency aid sa mga komunidad at mga mamamayang binagyo kamakailan.
Si Australian Foreign Affairs Minister Julie Bishop ang naglabas ng balita.
Ang Australia ay isang malapit na kaibigan ng Pilipinas, at nalulungkot sa pagkasawi at paghihirap ng mga pamilya dahil sa bagyong dumaan.
Pinuri niya ang Pilipinas sa liderato at paghahanda upang maibsan ang paghihirap at panganib na hinaharap ng mga mamamayan.
Sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines Bill Tweddell na tuloy ang suporta ng kanyang pamahalaan sa pagtulong sa mga nasalanta. Ipinaliwanag niyang kasama ang United Nations Population Fund, World Food Program, Philippine Red Cross, nakahanda ang Australia sa pag-aalok ng dignity kits, family kits, bigas at high-energy biscuits.
Naglalaman ang dignity kits ng malong, tuwalya, tsinelas, suklay, nail crillpers, magternity napkins, damit na pangilalim, sabong pangpaligo, toothbrush, toothpaste, shampoo, laundry bar at toilet paper.
Ang family kits ay may banig, kumot, kulambo, jerry cans, hygiene kits at mga tarpaulin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |