|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, inanyayahang muli si Pope Francis na dumalaw sa Pilipinas
POPE FRANCIS, INANYAYAHAN NI PANGULONG AQUINO NA DUMALAW MULI SA PILIPINAS. Ibinalita ni Bb. Mary Grace V. Villamayor, Third Secretary at Vice Consul ng Philippine Embassy sa Holy See. Ang paanyaya ay para sa International Eucharistic Congress sublet sa pagdaraos ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy, magiging limitado ang paglabas ng Vatican City ni Pope Francis. (Melo M. Acuna)
BUKOD sa pasasalamat na ipinarating ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kay Pope Francis, inanyayahang muli ng pangulo ang Santo Papa na maging panauhing pandangal sa idaraos na International Eucharistic Congress sa Cebu City.
Ito naman ang ibinalita nin Bb. Mary Grace V. Villamayor, ang Third Secretary at Vice Consul ng Philippine Embassy to the Holy See.
Sa isang panayam sa CBCP Online Radio, sinabi ni Bb. Villamayor na hindi makararating ang Santo Papa sa International Eucharistic Congress sa Enero (sa Cebu) sapagkat ngayong araw na ito sisimulan ang buong taong pagdiriwang na (Extraordinary Jubilee) Year of Mercy. Sa pagkakataong ito, magiging limitado na ang kanyang mga paglalakbay.
Magugunitang dumalaw si Pangulong Aquino sa tanggapan ni Pope Francis noong Biyernes at tumagal ang kanilang pag-uusap ng may 20 minuto. Matapos ang one-on-one meeting nina Pangulong Aquino at Pope Francis, nakausap naman ni G. Aquino ang Secretary of State ng Vatican.
Bukod sa pagiging mainit ng pagtanggap ni Pope Francis kay Pangulong Aquino nabigyang-pansin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang maibsan ang masamang epekto ng climate change at ang mga angkop na tugon sa lumalawak na kahirapan.
Ani Bb. Villamayor, may mga angkop na solusyon si Pangulong Aquino sa mga suliraning dulot ng climate change.
Sa kabilang dako, posibleng umabot sa 3,000 ang mga pari't madreng kanilang pinaglilingkuran.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |