|
||||||||
|
||
Mga Filipino, lumalago ang bilang sa Italya
Ngayon ay mayroong 171,000 mga Filipino sa buong Italya. Ang mga ito ang may residency permit mula sa Italian government. Sa bilang na ito, mayroong 70 hanggang 80% ang nasa service sector bilang mga kasambahay, hotel employees, mga yaya at caregiver.
Ipinaliwanag din ni Ambassador Nolasco na bago makarating ang mga problema ng mga Filipino sa Italya ay sinusubukang matugunan ng mga kamag-anak, kaibigan at mga kasama sa asosasyon.
Ngayon ay mayroong 50 mga Filipinong nakapiit sa buong Italya. Ang mga kaso ay mula sa physical injuries hanggang sa pagpatay. Mayroon din umanong mangilan-ngilang nasangkot sa droga. Bagaman, may pagkakataong ayaw nang ipa-alam pa sa Embahada ang kanilang kalagayan sa pag-asang hindi na mag-isip pa ng kung ano ang kamag-anak sa Pilipinas.
Karamihan ng mga Filipinong nakararating sa Italya ang mga penitisyon ng mga kamag-anak na una nang nakarating sa bansa dahil sa ipinatutupad na unification program. Mayroon ding matatanda na ayaw pang umuwi sapagkat hindi na nila matatanggap pa ang medical benefits na kanilang kailangan mula sa social security program ng pamahalaan (ng Italya).
Pinayuhan ni Ambassador Nolasco ang mga nananaginip at nagbabalak na magtrabaho sa Italya na mag-aral ng wikang Italyano upang hindi na mahirapan pa sa kanilang mga trabaho.
Tanggap ng mga Italyano ang mga Filipino sapagkat masisipag at matiyaga sa kanilang mga gawain. Malaking bagay din ang kakayahan ng mga Filipino na makapasok sa kultura ng mga bansang kanilang mga pinaglilingkuran.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |