|
||||||||
|
||
Pag-abuso ng pulisya, kailangang masugpo
NAGAGANAP pa rin ang pananakit ng mga pulis laban sa mga mamamayan at handang patunayan ito ng Amnesty International sa kanilang pagpapadala ng kinatawan sa pagdinig ng Senado ng Pilipinas ngayon.
Ayon sa kanilang pahayag, sinabi ng Amnesty International na maghahandog sila ng mga ebidensya sa Senate Committee on Justice and Human Rights sa mga nagaganap na torture o pagpapahirap. Inilabas ng Amnesty International isang taon na ang nakalilipas ang kanilang ulat na pinamagatang "Above the Law: Police Torture in the Philippines" bilang bahagi ng kanilang kampanya sa buong daigdig na naglalayong mapigil ang torture.
Ayon kay Josef Benedict, ang South East Asia Campaigns Director ng Amnesty International, ipinagpapasalamat nila ang oportunidad na ibinigay sa kanila na mag-ulat sa Senado at nagkataon nga lamang na hindi ito madaling pakinggan sapagkat wala ni isang akusado ng torture ang naparusahan mula ng maipasa ang Anti-Torture Law noong 2009.
Napapanahon na upang kumilos ang pamahalaan, dagdag pa ni G. Benedict. Kailangan umanong magkaroon ng pambansang mekanismo upang masugpo ang torture sa pamamagitan ng mga panukalang batas na inihain sa Senado at Congreso at bumuo ng oversight committee tulad ng itinatadhana sa Anti-Torture Law Act upang matiyak na mayroong sapat na paraan upang masiyasat ang mga pagpapasakit na ginagawa ng pulisya.
Nakatakdang dumalo si Josef Benedict sa pagdinig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |