Katawan ng Malaysian national na dinukot ng Abu Sayyaf, natagpuan
NATAGPUAN ng intelligence operatives at mga kawal ng 501st Brigade ang walang ulong bangkay ng Malaysian national na unang dinukot ng Abu Sayyaf sa Sitio Lungon-lungon, Parang sa lalawigan ng Sulu kagabi.
Ayon sa mga kawal, ang labi ay kay Bernard Then Ted Fen. Dinala ang labi sa 501st Brigade sa Camp Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu. Ipinadala rin ang labi sa Zamboanga City upang makuha ang ulong natagpuan kamakailan na pinaniniwalaang kay Ted Fen.
Dinukot si Ted Fen kasama si Thien Nyuk noong ika-14 ng Mayo 2015 sa Sandakan, Malaysia ng mga tauhan ng ASG.
Noong ika-17 ng Nobyembre, pinugutan ng ASG si Ted Fen. Pinamumunuan ang Abu Sayyaf group ni Alhabsy Misaya at Idang Susukan. Natagpuan ang ulo sa loob ng isang sako (ang ulo ng biktima) sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.
1 2 3 4 5