|
||||||||
|
||
Salaping padala ng mga manggagawa sa ibang bansa, tumaas
UMABOT sa US$ 2.5 bilyon ang naipadalang salapi ng mga Filipino sa iba't ibang bansa noong nakalipas na Oktubre. Kung pagsasamahin ang mga naipadalang salapi ng mga Filipino mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito, maliwanag na umabot na sa US$ 22.8 bilyon.
Ito ang ibinalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsabing kung ihahambing ang personal remittances ngayong 2015 sa naitala noong 2014, lumago ito ng 3.5%.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr., lumago ang personal remittances mula sa land-based workers na higit sa isang taon ang kontrata ng may 3.9% samantalang ang mga sea-based at land-based workers na may mga kontratang wala pang isang taon ay lumago ng 3%.
Ang cash remittances ng mga manggagawang Filipino na idinaan sa mg bangko ay umabot sa US$ 2.2 bilyon noong Oktubre ng taong ito. Sa loob ng nakalipas na sampung buwan, umabot na sa US$ 20.6 bilyon at may mataas ng 3.7% kaysa natamo noong 2014. Ang cash remittances ng land-based ay umabot sa 3.9% sa halagang US$ 15.8 bilyon samantalang sa sea-based workers ay lumago nn 2.9% at nakamtan ang US$ 4.8 bilyon.
Ang malaking bahagi ng salaping naipadala sa bansa ay mula sa Estados Unidos, sa Saudi Arabia, sa United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Canada at Hong Kong. Kung pagsasamahin ang lahat ng salaping mula sa mga bansang ito ay aabot sa 79% ng lahat ng cash remittances na iniulat ng mga bangko.
Ayon sa records ng Philippine Overseas Employment Administration, umabot sa 717,182 ang lahat ng job orders na dumaan sa kanila at may 44.1% ang kanilang naproseso.
Ang job orders ay para sa service, production, professional, technical at iba pang gawain sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan at Hong Kong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |