Daang libong biktima ng bagyong Koppu, tutulungan
LAYUNIN ng iba't ibang international agencies sa Pilipinas na matulungan ang higit sa 200,000 mga biktima ng bagyong "Koppu" na kilala sa pangalang "Lando" sa Pilipinas.
Magugunitang tumama ang bagyong "Lando" sa hilaga-silangang Luzon na nagtataglay ng lakas ng hanging 210 kilometro bawat oras. Gumapang ito sa Luzon sa loob ng tatlong araw na naging dahilan ng pagbaha noong Oktubre.
Ito ang nabatid mula sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) sa Maynila.
Samantala, matapos ang higit sa dalawang taon. Mayroon pang 24,600 katao ang walang sariling tahanan matapos ang pananalakay ng mga armadong tauhan ng Moro National Liberation Front o MNLF. Samantala, mayroon nang 1,000 pamilya ang nakakatanggap ng cash transfer benefits.
Bumuo na rin ang Pilipinas ng isang technical group na magpapadali ng datos bago pa man sumapit ang anumang emerhensya.
1 2 3 4 5