|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Nagpetisyong ma-diskwalipika si Mayor Duterte, hindi sumipot
HINDI nagpakita ang brodkaster na si Ruben Castor at ang kanyang abogadong si Oliver Lozano sa pagdinig ng Commission on Elections na itinakda kanina.
May schedule na pagdinig sa First Division ng Commission on Elections kaninang umaga at hiniling nina Atty. Vitaliano Aguirre at Ted Contacto na kilalanin na ang petyisyon para sa kaukulang desisyon.
Sa isang press briefing na isinahimpapawid sa telebisyon, sinabi ni Commission on Elections Chair Andres Bautista na hindi na dumalo sina Castor at ang kanyang kliyente sapagkat hindi naman sila kailangan sa pagdinig sa usapin.
Sa panig ng mga abogado ni G. Duterte, sinabi nilang kailangan nang desisyunan ang usapin sapagkat napapaloob sa alituntunin ng Comelec na kung hindi sisipot ang respondent o ang abogado, magkakaroon na ng resolusyon ang petisyon.
Nagpetisyon si Castor noong ika-27 ng Nobyembre na humihiling sa Comelec na huwag pansinin ang paghalili ni G. Duterte sa dating kandidato ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan na si Martin Dino sanhi ng maling impormasyon sa kanyang certificate of candidacy.
Napapaloob sa certificate of candidacy ni G. Dino na nagsasaad ng kanyang layuning tumakbo bilang city mayor ng Pasay at 'di bilang pangulo ng bansa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |