Philippine Red Cross, aktibo sa mga biktima ni "Nona"
ABALA na naman ang Philippine Red Cross sa pagtulong sa mga apektado ng bagyong "Nona" na isa na lamang low pressure area.
Nagpadala na ng assessment teams si PRC Chairman Richard Gordon sa Northern Samar at Sorsogon at water, search and rescue team sa Nueva Ecija na binabaha ngayon. Ang bawat koponan ng WASAR ay may isang 6 x 6 truck at dalawang rescue boats.
Inaalam na ng Red Cross ang pinsalang idinulot ni Nona sa 13 bayan at kikilalanin na rin ang mga tatanggap ng tulong sa Catarman. Naghatid na rin ang assessment team mula sa PRC Albay ng 150 trapal at isang satellite phone sa Norther Samar. May rekomendasyon na para sa food packs para sa may 5,000 pamilya at shelter repair kit para sa anim na bayan.
Sa Oriental Mindoro, ang local PRC Chapter ay magbibigay ng pagkain sa may 2,700 katao sa Barangay Baco Gymnasium. Samantala, magbibigay din ang Red Cross local chapter ng food packs sa limang bayan sa katimugang bahagi ng lalawigan ngayong araw na ito.
1 2 3 4 5