|
||||||||
|
||
Tatlong malalaking proyekto, pasado na sa NEDA Board
NAKAPASA na sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang tatlong mga bagong proyekto sa transportasyon, agribusiness financing at pagpapahusay ng prison facilities at marine environment monitoring.
Pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pagpupulong. Una sa mga proyekto ang Manila-Quezon Avenue Bus Rapid Transit Project ng Department of Transportation and Communications. Popondohan ito ng official development assistance kasama na ang paglalaan ng 12.3 kilometrong segregated BRT mula sa Quezon Memorial Circle patungo sa Manila City Hall.
Tinatayang magkakahalaga ag proyekto ng P4.79 bilyon. Ipatutupad ito mula ngayong 2015 hanggang 2017 at magagamit na sa taong 2018.
Nakapasa rin ang Integrated Marine Environment Monitoring System Phase 2 ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Magkakahalaga ito ng P 1.68 bilyon at mapakikinabangan ang proyekto sa loob ng apat na taon.
Pangatlo naman ang Harnessing Agribusiness Opportunities Through Robust and Vibrant Entrepreneurship ng Land Bank of the Philippines na kinapapalooban ng pautang na P 11.43 bilyon para sa agribusiness at ang pagkakaroon ng 21,700 hanapbuhay. Target nito ang agri-business related investments sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Mula ang salapi sa overseas development assistance ng Japan International Cooperation Agency at ng World Bank.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |