|
||||||||
|
||
Ika-29 na edisyon ng "Panunuluyan," idinaos
MGA KABATAAN, NAGSAGAWA NG "PANUNULUYAN" - Binasabasan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang mga lobong naglalaman ng mga panalangin at mithi ng mga kabataang lumahok sa ika-29 na edisyon ng "Panunuluyan", ang pagsasadula ng paghahanap nina San Jose at Birheng Maria ng matutuluyan spang isilang ang panginoong Hesukristo. Isang tradisyon na ito sa PIlipinas mula pa noong mga nakalipas na dekada. (Larawan ng Urban Poor Associates)
UMABOT sa 350 mga kabataan ang sumabay sa masasayang awiting pamasko sa Plaza Roma, Intramuros hanggang sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila para sa ika-29 na edisyon ng Panunuluyan. Ginugunita nito ang paghahanap nina San Jose at Birheng Maria ng matutuluyan upang isilang ang sanggol na si Jesus.
Ayon kay Tina Jurado ng Urban Poor Associates, ginugunita ng mga kabataan ang naganap libong taon na ang nakararaan sa kanilang paghahanap ng mga tahanan, kapayapaan at makataong pamumuhay.
May temang "Minsan si Hesus ay Naging Bata" ang pagdiriwang. Naniniwala silang ang tunay na Pasko ay matatagpuan sa mga bata.
Pinamunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang misa. Nakasama niya sa pagdiriwang si Fr. Robert Reyes, OFM kaninang ika-siyam at kalahati ng umaga.
Nanawagan din si Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis na marapat lamang na alagaan ng lipunan ang mga kabataan sa pagbibigay ng sapat na edukasyon, pagmamahal, pagkain, pag-aaruga at kapaligirang angkop sa kanilang murang kaisipan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |