|
||||||||
|
||
Kapalpakan ng Metro Rail Transit Line 3, nagsimula noong panahon ni Secretary Mar Roxas
NAGSIMULA ang mga kapalpakan at pinsala sa nabubulok na Metro Rail Transit Line 3 noong panahon ni Transport Secretary Mar Roxas na ngayon ay kandidato ng administrasyon sa pagka-pangulo.
Bilang reaksyon sa pahayag na namumulitika ang MRT Holdings Chairman Robert John Sobrepena, ipinaliwanag niyang nagsimula ito sa hindi pagkilos at kaduda-dudang aksyon ng Department of Transportation and Communications.
Ang unang pagkakamali ay nagmula noong hindi nangasiwa ng bidding procedures si Secretary Roxas noon pa mang Enero 2012, ang huling pagkakataon na nagkaroon ng renewal ang kontrata ng Sumitomo.
Ayon sa pahayag ni G. Sobrepena, pinamunuan sana ni G. Roxas ang bidding process noon pa mang Hulyo ng 2011. Kailangan ang bidding process sapagkat magtatapos na ang kontrata.
Naganap ang ikalawang kapalpakan ng makipagnegosasyon sila sa PH Trams, Inc. na binuo lamang noong isumite ang proposal noong ika-anim ng Agosto. Ani G. Sobrepena, hindi matatanggap ang proposal sapagkat nabuo lamang ang kumpanya noong magsumite sila ng kanilang panukala.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |