|
||||||||
|
||
Bagong pangulo, nararapat mabalanse ang interes ng mga manggagawa at kapital
NANINIWALA si G. Edgardo B. Lacson, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines na nararapat mabalanse ng susunod na pangulo ang interes ng mga manggagawa at ng kapital.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Lacson na magaganap lamang ito sa paglalaan ng mga mekanismo upang magkaroon ng mga hanapbuhay at mapagbalik-aralan ang nilalalaman ng Labor Code of the Philippines na sumasagka sa pagkakaroon ng mas maraming trabaho. Kailangang maisulong ang Private-Public Partnership upang magdulot ng mas maraming pagawaing bayan sapagkat nararapat na may 7% ng Gross Domestic Product ang magastos ng pamahalaan upang magkaroon ng mas maraming trabaho.
Isang pagkakataon ito upang mapabalik ang mga manggagawang nasa ibang bansa lalo't sisigla ang manufacturing at agriculture sector. Maganda rin ang epekto ng pagbaba ng presyo ng petrolyo sapagkat bababa ang halaga ng produksyong umaasa sa gasolina subalit isang panganib din ito sa mga manggagawang nasa Gitnang Silangan sapagkat may posibilidad na pauwiin sila ng kanilang mga pinaglilingkuran.
May posibilidad ring maapektuhan ang paghahanap ng renewable energy sapagkat hamak na mas mura ang paggamit ng petrolyo.
Kailangang maliwanag ang mga palatuntunan ng mga kandidato sa pagkapangulo upang matugunan ang anumang pagbabago sa kalakaran sa Gitnang Silangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |