European Union, naglaan ng € 3 milyon sa pinsala ni "Nona"
MAY inilaang € 3 milyon ang European Union para sa mga biktima ng humanitarian crisis sa Pilipinas. Ang salaping ito ang pagkukunan ng tulong para sa biktima ni "Nona" at sa matagalang kaguluhan sa Mindanao.
Mula sa pondo, may €1.5 milyon o P78.17 milyon ang ilalalan sa mga biktima ni "Nona" na tumama sa bansa noong kalagitnaan ng Disyembre 2015. Tutulungn ang mga biktima sa Katimugang Luzon at Silangang Kabisayaan sa pamamagitan ng pagkain at pabahay, pagkakakitaan at iba pang non-food items.
Ang nalalabing bahagi ng salapi ay para sa paghahatid ng tulong sa mga taong apektado ng krisis sa Mindanao na kinatatampukan ng may 495,000 katao ang nawala sa kanilang mga tahanan dahil sa kaguluhan mula noong 2012.
1 2 3 4 5