Exports ng Pilipinas sa European Union, lumago
PATULOY na lumago ang mga panindang naipagbili ng Pilipinas sa European Union ng may 27%. Sa ilalim ng Generalized System of Preferences Plus, makapagpapadala na ang Pilipinas ng higit sa 6,000 mga produkto ng walang kaukulang buwis. Noong Disyembre ng 2014, umabot lamang sa higit sa 2,000 mga produkto ang nabigyan ng zero duties.
Pinuri ni Trade and Industry Secretary Adrian Cristobal, Jr. ang mga nagmula sa pamahalaan, pribadong sektor, hanay ng manggagawa at maging kinatawan ng industriya.
Nagtulungan umano ang iba't ibang sektor ng bansa kaya't nananawagan pa rin ang Department of Trade and Industry sa mga mangangalakal na patuloy na palawakin ang kanilang market presence at magkaroon ng mas malaking bahagi sa European market.
Sa unang anim na buwan ng 2015, ang exports ng Pilipinas sa ilalim ng Generalized System of Preference ay umabot sa €743 milyon na mas mataas sa exports noong 2014 na umabot lamang sa €584 milyon. Sa unang tatlong kwarter ng 2015, ang electronics industry exports ay umabot sa €42.7 milyon, exports ng aircraft at spacecraft parts ay lumago ng €6.9 milyon at ang exports ng optical, photo at medical equipment ay kinatagpuan ng paglago ng €9.6 milyon samantalang ang exports ng animal/vegetable fats and oil at lumago ng €7.3 milyon sa parehong panahon noong 2014.
1 2 3 4 5