|
||||||||
|
||
160331melo.mp3
|
Abu Sayyaf, dalawang ulit tumawag sa kumpanyang Indones
DALAWANG ulit tumawag ang nagpapakilalang mga kasapi ng Abu Sayyaf sa may-ari ng isang tugboat at isang barge na mula sa Indonesia at naglalayag patungo sa Batangas province.
Ayon sa pahayag ng Indonesian Embassy sa Maynila, noong nakalipas na Lunes (ika-28 ng Marso) ay nakatanggap ang Ministry of Foreign Affairs ng Indonesia ng balita mula sa ilang pinagkukunan ng impomasyon sa dalawang sasakyang-dagat na rehistrado sa Indonesia na may sampu kataong tripulante ang naging biktima ng hijacking sa Pilipinas.
Nagkaroon ng pagsusuri ang Ministry of Foreign Affairs ng Indonesia at nakipagbalitaan sa may-ari at ilang mga grupo sa Indonesia at Pilipinas.
Kumpirmadong may hijacking na naganap sa Brahma 12 tugboat at sa Anand 12 barge na may dalang 7,000 toneladang uling samantalang lulan ang sampu katao.
Naganap ang hijacking samantalang naglalayag ang mga barko mula sa Sungai Puting sa South Kalimantan at patungo sa Batangas at nabatid ng may-ari ng mga sasakyang-dagat ang insidente noong Sabado sa pagkakatanggap ng isang tawag mula sa isang nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf.
Pinalibre na ng Abu Sayyaf ang Brahma 12 at hawak na ng pamahalaan ng Plipinas. Nawawala pa rin ang Anand 12 at ang sampung tripulanteng pinaniniwalaang hawak ng Abu Sayyaf.
Sa pakikipag-usap ng may-ari sa tumawag na Abu Sayyaf, nabatid na humihingi ng ransom ang grupo ng mga armado. Dalawang ulit nang nakipag-usap ang Abu Sayyaf sa kumpanya.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Indonesia sa Pilipinas, nakikipag-usap na ang Minister of Foreign Affairs sa iba't ibang grupo sa Indonesia at Pilipinas na kinabibilangan ng Secretary of Foreign Affairs na si Rene Almendras. Prayoridad ng Indonesia ang kaligtasan ng sampung mamamayan nito na biktima pa ng hostaging ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |