MRT General Manager Vitangcol, sinibak at hindi nagbitiw
NILIWANAG ng Department of Transportation and Communications na tinanggal sa sa puesto si Al Vitangcol bilang General Manager ng Metro Rail Transit dahil sa conflict of interest. Naunang sinabi ni Vitangcol na nagbitiw siya bilang MRT chief.
Sa isang pahayag na inilabas kanina, sinabi ng DoTC na inalis si Vitangcol sa puesto dahil sa hindi niya pagsasabing may koneksyon siya sa kontratista para sa maintenance ng mga MRT.
Tiyuhin umano ng asawa ni Vitangcol ang director ng PH Trams na sumama sa subasta para sa kontrata. Nawala umano ang pagtitiwala ng kagawaran sa pangyayaring ito.
Idinagdag pa ng DoTC na inamin ni Vitangcol sa pagdinig sa House of Representatives noong 2014 na nasibak na nga siya sa puesto. Isinangkot ni Vitangcol si Liberal Party presidential aspirant Manuel "Mar" Roxas II at DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya sa mga anomalya sa mga kontrata ng MRT.
1 2 3 4